Wednesday May 16 @ 05:20amBad News: Maraming minamahal ang mahal mo.


Yan ang mga tita ko na sobrang cool na parang bestfriends ko lang :) Since isa lang ang pinsan ko na sobrang bata pa wala akong pinsan na sobrang kaclose ko kaya sila nalang yung parang pinsan ko. Akala mo magkasing edad lang kame talaga. Sila din yung nagpalaki sakin besides sa akin lola kase nga si Daddy nasa ibang bansa pa noon nagttrabaho at yung mama ko nagttrabaho din 24/7 kaya yung mga tita at lola ko yung nagaalaga sakin dati nga nung bata ako nakikipaglaro pa sila ng barbie sakin. Haha. Wala parin pinagbago sa samahan namen talagang nakkwento ko sa kanila lahat. Yung tipong pati lovelife ko nakkwento ko agad sa kanila as in parang bestfriends kaya sobrang saya ko tuwing nagbabakasyon sila dito samen. Marami nga dating nagaakala na kapatid din nila ako na ako yung bunsong anak ni mami (lola ko) Kase mami din tawag ko sa kanya tapos sobrang makalola pako kaya akala kapatid nila ako. Haha. Pagdating sa fashion sobrang kikay ng dalawang yan hindi nga kase ako nagmmake up at hindi din ako mahilig dun halos sila lang nagbibigay sakin ng mga pankikay at syempre sila din ang kasama ko pag nagsshopping sobra kaseng nagkakasundo kame. Nakakatuwa nga tuwing may lakad sila talagang kasama ako at ako yung talaga yung kumikilatis sa mga boyfriend nila pag ayoko ayoko. :) Kaya siguro sobrang bait sakin ng mga boyfriend nila. Haha. Takot sakin. >:) Thank You talaga kay God na sila yung tita ko siguro ganun talaga hindi pwedeng meron ka lahat, since wala akong pinsan kaya meron naman akong mga tita na super close ko. :)
Monday May 14 @ 10:29pmMonday May 14 @ 10:09pmIt’s not because I’m fake. It’s because I have a different comfort zone around certain people. I’ll act loud, stupid, be mean to you, act crazy, and do the most stupidest things with you because I’m comfortable around you. But, I can be quiet and shy if I don’t know you that well or we aren’t very close. Just because I act different around certain people, doesn’t mean I’m fake. I just have a different comfort zone with certain people.
Naiinis ako. Yung feeling na may death threat ako. Nakakatawang isipin pero nakakatakot din. :| Meron kase may utang samen, dati siyang nakipwesto sa shop namen tapos nung hindi siya makabayad na halos lage nalang siyang pinagbibigayan at take note siniraan niya ang parents ko ng bonga bonga at muntikan pang mademanda ang parents ko dahil sa kanya dahil nga lage niyang ginagamit yung name ng parents ko sa panloloko niya kase utang siya ng utang sa ibang tao using our shop’s name kaya ayun tuluyan na siyang pinalayas tapos naiwan yung gamit niya edi gusto niya kunin eh kaso may utang pa nga siya kaya ayaw ibigay ng parents ko then yun nakakatangap na kame ng death threats and syempre ako damay. Ipapadukot daw ako, isasako and everything. Nakakainis kaylangan ko na ng bodyguard! Naiinis talaga ako kase may lakad kame mamaya ng mga kaibigan ko at hindi ako pinayagan. NAKAKAKKAKAKAKAKAKKA. Nakakainis. Kaylangan ko ng police escort. Haha. Pero feeling ko hindi naman siguro totoo yun pananakot niya lang yun kase hindi naman siya mapera at maraming mauutusan para dukutin ako tska ang dameng may galit sa kanya dahil nga sa panloloko niya.
Pero syempre mas mabuting safe pero hindi talaga ako papayag gusto kong umalis mamaya! :( Nakakainis siya. Kaya ayun may police na lageng magmamasid at paligidligid sa bahay. Sana lang talaga mahuli na siya. Nako. BV SIYA! . >.<
Monday May 14 @ 10:03pmNoon
- Wala akong pakialam sa kanya
- Lage ko siya binabaan sa phone
- Magtetext lang ako pag nagtext siya
- Hindi ako gumagawa ng paraan para makapagusap kame
- Iniisip ko lang yung sarili ko, na ako lang lage yung nasasaktan
- Hindi ako nagssorry sa kanya, siya lage
- Pinagmumukha ko siyang tanga
- Lage akong demanding
- Pinaghihintay ko siya lage
- Pinapalis ko siya agad tuwing pumupunta siya sa bahay
- Naiinis naman ako pag hindi siya pumunta sa bahay
- Pinaasa ko lang siya
- Hindi ko pinakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal
Ngayon
- Iniwan niya nako, deserve ko naman :(
- Napagod na siya sakin
- Hindi niya nako mahal
- Hindi na siya babalik
Akala ng iba na nakakaalam ng lovestory namen ako yung kawawa kase ako yung iniwan pero hindi nila alam yung ugali ko pagdating sa kanya. Ayoko kase ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal kase ayoko na isipin niya na hindi ko kayang mawala siya. Mukang akong tanga. Napapagod din ang isang tao kahit gaano ka niya kamahal. Akala ko kase dati hindi niya ko kayang iwan, hindi niya ko ipagpapalit. Inshort sobrang tinake for granted ko siya. Pero napagod din siya. Napapagod din pala siya. Nagising na lang ako na huli na pala ang lahat, iniwan niya nako. Nauntog na siya. Kaya kung mahal mo talaga ang isang tao ingatan mo kase hindi mo alam na baka bigla nalang siya mapagod sa’yo.
Monday May 14 @ 03:09am- Nagpapamiss lang yan. Nagpapalambing. Alam mo na? Dun kasi niya tinitignan kung may halaga ba siya sayo o wala. kung babalewalain mo lang ba yung ginagawa niyang pagpapapansin sayo. Isang text mo lang dyan, tawagan mo lang yan. Okay na sakanya e. Magiging okay na lahat. Atleast, nung mga panahong di siya nagpaparamdam sayo, naalala mo siya. "Yun lang naman ang gusto namin, yung di kami nakakalimutan."
Kaso may halong horror. Haha :) Napaniginipan ko yung lalake na sobrang mahal ko parin hanggang ngayon kahit 2 years after na. Ako na ang tanga. Siguro kase kagabi iniisip ko siya kaya siguro lumabas siya sa panaginip ko. Bumalik na daw siyaaaaa! Medyo magulo basta bumalik na siya sa buhay ko, iyak pa nga ako ng iyak sa tuwa. :’> Hindi ko na maalala yung iba basta bumalik yung sweetness namen together tapos may matanda. Para kaseng nagouting kame kasama family ko tapos nadaan kame sa spooky na lugar. Haha. Tapos nandun yung matandang nakakatakot tapos tinanungan ko siya ng direction then yun parang lalo pa kame naligaw tapos biglang parang isa isa kame nawawala nalang dun sa sasakyan hanggang sa kame nalang natira tapos binalikan namen yung matanda tapos kaylangan daw ng alay nung matanda para masave lahat ng kinuha niyang tao tapos ayun sinacrifice ng mahal ko yung sarili niya edi nagiiyak iyak ako nun tapos bumalik na sa dati ang lahat, bumalik na yung mga tao tapos ako daw pinapahanap ko yung mahal ko tapos ayaw nilang hanapin parang wala silang paki alam basta ako hanap parin ako ng hanap sa kanya lage akong bumabyahe. Ang gulo lang then nagising nako. Bwaha.
Pwedeng horror movie. Haha. Nung nagising ako kanina sobrang nalungkot ako sa nangyare pero medyo natawa din ako sa panaginip ko, ang weird kase. Sobra. Pero siguro isa lang ang ibig sabihin nung panaginip ko. Kahit anung gawin ko hindi na siya babalik sakin. :(
Monday May 14 @ 12:04am